--Ads--

CAUAYAN CITY – Agad na itinalaga ng 5th infantry Division Philippine Army ang dalawang disaster response team ng 24th Infantry Battalion Philippine Army para tumulong sa mga  naapektuhan ng 7.0 magnitude na lindol.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Army Capt. Rigor Pamittan, hepe ng Division Public Affairs Office o DPAO ng 5th ID, sinabi niya na batay sa pagtaya ng PDRRMC ng Abra, umabot na sa 1,172 ang pinsala sa imprastraktura sa lalawigan ng Abra na dulot ng  pagyanig at mga after shocks.

Tinatayang 1,729 na pamilya ang apektado at higit isang libong indibiduwal ang lumikas at nanatili sa  mga evacuation areas.

patuloy  ang nararanasang aftershock kaya nanatiling alerto ang mga residente at mga kinauukulan upang hindi na madagdagagn ang mga naitalang  nasawi at walumpu’t anim  na nasugatan.

--Ads--

Maliban sa Abra ay may naitala ring nasawi at nasugatan sa Benguet at Kalinga.