--Ads--

CAUAYAN CITY – Bumuo ng medical team ang pamunuan ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City para ipadala sa lalawigan ng Abra na lubhang naapektuhan ng  magnitude 7 na lindol.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Glenn Matthew Baggao, medical center chief ng CVMC na binuo niya ang team kasama ang ilang doktor at health emergency management staff.

May mga kasama silang psychaitrist dahil kailangan nilang magsagawa ng counselling sa mga residenteng naapektuhan ng lindol.

May mga kasama rin silang infectious disease specialist, surgeon at nurses.

--Ads--

Sinabi ni Dr. Baggao na hinihintay na lamang nila ang utos mula sa punong tanggapan ng Department of Health (DOH) dahil by schedule ang pagpapadala nila ng medical team sa Abra.

Unang ipinadala ang medical team mula sa Mariano Marcos Memorial Medical Center ng Ilocos Norte at Ilocos Training and Regional Medical Center sa La Union .

Ayon kay Dr. Baggao, susunod na silang magtutungo sa  Abra at hihintayin nila ang go signal ng DOH.

Batay aniya sa kanilang impormasyon, pitong bayan sa Abra ang naka-isolate ngayon at at may mga nagkakasakit na kaya kailangan nila ang tulong medikal para maagapan ang  hindi magandang pangyayari.

Kumpleto ang mga dadalhin nilang gamit kasama ang mga sariling pagkain at lutuan para hindi sila makaistorbo doon.