--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy na nagpapakawala ng tubig ang Magat Dam sa Ramon, Isabela bilang precautionary measure dahil sa malaking volume ng tubig na pumapasok bunsod ng mga pag-ulan sa mga  watershed areas.

Hanggang kaninang  7:00 am ngayong  August 8, 2022, ang water elevation ng Magat dam ay  188.18 meters.

Ang inflow  ay 433.74 cubic meters per second (cms)  habang ang outflow ay 516.94 cms  at isa ang nakabukas na  spillway gate na may taas na  1 meter  at ang discharge ay  173cms.

Sinimulan ng National Irrigation Administration-Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS) ang pagpapalabas ng tubig dakong alas 2:00 kahapon,  Agosto 7, 2022.

--Ads--

Ayon sa NIA-MARIIS, upang mapanatili ang safe water level ng reservoir ay nagkaroon sila ng koordinasyon sa PAGASA, Local Goernment Unit (LGUs) sa lugar at Local Disaster Risk Reduction and Management Offices para sa pagpapakawala ng tubig.

Sa layuning mapanatili ang ligtas na level ng tubig sa Magat dam, ang pinapakawalang tubig ay maaaring madagdagan depende sa lakas ng ulan sa mga watershed areas sa Ifugao, Nueva Vizcaya at Quirino dulot ng Southwest Monsoon.

Hiniling ng NIA-MARIIS  sa publiko na iwasan muna ang pagtawid, pamamalagi at pagpastol ng mga alagang hayop malapit sa ilog  para maiwasan ang anumang kapahamakan dulot ng pagtaas ng level ng tubig.