--Ads--

CAUAYAN CITY – Kinumpirma ni Ginoong David Solomon Siquian na nagbitiw na siya bilang General Manager (GM) ng Isabela Electric Cooperative (ISELCO II) mula noong August 5, 2022.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Siquian,, sinabi niya na minabuti niya na magbitiw sa puwesto hindi para takasan ang mga paratang sa kaniya kundi alang-alang sa kaayusan sa loob ng electric cooperative  gayundin na mapangalagaan ang kaniyang reputasyon.

Aniya, kasabay ng kaniyang pagbibitiw ay ibabalik niya ang lahat ng mga ari-arian at items na may memorandum receipt sa kaniya.

Nakasalalay  sa desisyon ng Board of Director (BOD) ng ISELCO II ang kaniyang pagbibitiw sa pUwesto sa gitna ng panawagan ng mga member-consumer dahil sa kinakaharap na kontrobersiya ng kooperatiba.

--Ads--

Nilinaw din niya na naka-leave siya kaya wala siya sa naganap na Annual General Membership Assembly (AGMA) na isinagawa sa Quezon at Delfin Albano, Isabela.

Limang araw mula nang bumalik siya sa trabaho ay nakatanggap siya ng liham mula sa BOD  sa pamamagitan ni Board Chairman Wally Binag na mag-leave ng panibagong  30 araw dahil sa ginagawang audit ng National Electrification Administration (NEA).

May nakahanda siyang recorded na report ngunit iginagalang niya ang   desisyon  ng BOD na sila na lamang ang sasagot sa mga katanungan ng mga member-consumer kaya hindi na siya nagpakita.

Samantala, nagpatawag ng pulong pambalitaan ang ilang department  managers ng ISELCO II upang sagutin ang ilang kontrobersyal na usapin aban sa  kooperatiba pangunahin ang  umano’y nalustay na pondo.

Sa naganap na press conference ay  sinagot nina Engr.  Joseph Palattao, technical services department manager, Liborio Medrano finance services department manager, Dr. Pinky Ann Lucas, institutional services head at OIC GM Charles Roy Olinares ang mga katanungan kaugnay sa paratang na katiwalian sa  kooperatiba.

Paliwanag ng ISELCO II sa umanoy kwestiyonableng reserve fund na 173 million Pesos at unpaid interest sa shared capital na 29 Million pesos at audited financial statement na aabot sa 166,844,500 lamang ang unpaid interest mula nang maitatag ang kooperatiba at bumaba pa nang manungkulan bilang general manager  si Ginoong David Solomon Siquian.

Bunga ito ng pagbawas sa reserve fund ng net loss dahil sa mga kalamidad tulad ng bagyo at pagsabog ng ilang sub-station dahil sa over consumption o overloaded na kuryente kaya napunta ito sa maintenance at pagsasaayos sa mga pasilidad ng kooperatiba.

Ayon sa financial manager, nasa 165,510,673 na ngayon ang capital shares  mula buwan ng Disyembre  2021 mula sa 1,200 na buwanang contribution ng bawat member-consumer na inilaan sa Capital Expenditures Projects.

Layunin nito na mapataas ang kalidad ng serbisyo ng kooperatiba sa pamamagitan ng Capital Expenditure Projects  na dahilan ng madalas na pagkakaroon ng brownout sa Northern part ng Isabela.

Kaugnay nito nasa 7.6 Million na lamang ngayon ang reserve fund  na maibabalik lamang sa restricted  fund sa panahon na makatanggap ng loan suggestions ang kooperatiba.

Binigyang linaw din nila na ang  24 million pesos na nawawalang pera ng ISELCO II , ang  paratang ay nag-ugat  sa mga member consumer na direktang nagdedeposito ng kanilang bayad sa bangko subalit walang opisyal na resibo