--Ads--

CAUAYAN CITY – Tiniyak ng Schools Division Office o SDO Cauayan City na natutugunan sa tulong ng pamahalaang Lunsod ang kakulangan ng mga guro at mga upuan ng mga mag-aaral sa pagbabalik ng face to face classes.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Schools Division Supt. Dr. Alfredo Gumaru Jr. ng SDO Cauayan City na hindi nawala ang excitement at energy ng mga batang mag-aaral sa kanilang pagpasok sa paaralan sa kabila na nasuspendi ang kanilang klase  dahil sa nakalipas na bagyong Florita.

Nakikita anya nila ang katuwaan sa mga kilos at mukha ng mga mag-aaral matapos makitang muli ang kanilang mga kaklase at mga kaibigan sa paaralan.

Bagamat hindi pa full face to face classes ang kanilang isinasagawa ay hindi maikakala na mayroong pagkukulang ng mga guro, mga silid aralan at upuan hindi lamang sa SDO Cauayan kundi maging sa halos lahat ng paaralan sa bansa.

--Ads--

Sa ngayon ay natutugunan ng pamahalaang Lunsod ang suliranin sa pamamagitan ng pagkuha ng Local School Board Teachers.

Mayroon na ring dagdag na limang daang armed chairs na naideliver ang Pamahalaang Pambansa at ang kakulangan sa mga silid aralan ay ginagawan na ng paraan ng SDO Cauayan City.

Sa ngayon ay mahigpit nilang sinusunod ang mga health protocols sa mga silid aralan pangunahin na ang pagsusuot ng face mask at pagsunod sa social distancing.

Sa ngayon ay umaabot na mahigit 39,500 enrollees ang kanilang naitala hanggang alas singko ng hapon kahapon at mayroon pang halos anim naraang enrollees ang kanila pang hinihintay na makapag-enroll hanggang bukas, araw ng biyernes para maabot ang 100% na  kahalintulad na enrollees noong nakaraang school year.

Tuloy tuloy pa rin ang kanilang isinasagawang Brigada Eskwela upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral.

Ipinaalala din nito sa mga magulang na pabakunahan na ang kanilang mga anak upang mayroong panlaban sa COVID-19.