CAUAYAN CITY – Nakapagbigay na ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) region 2 sa mga pamahalaang lokal sa ikalawang rehiyon na humiling ng ayuda kaugnay ng epekto ng bagyong Florita.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Michael Gaspar, Information Officer ng DSWD region 2, sinabi niya na nakapagbigay na sila ng kabuuang 4,645 na family food packs sa mga bayan ng Baggao, Iguig, Gattaran, Lallo, Tuguegarao City at Maconacon, Isabela.
Sa Maconacon, Isabela naglandfall ang bagyong Florita at umabot sa 227 na individual ang lumikas sa mga evacuation center
Nakapagbigay din ang DSWD ng 445 na hygiene kits sa bayan ng Maconacon at Baggao.
Ayon kay Ginoong Gaspar, nagbigay din sila ng burial assistance sa nasawi dahil sa bagyo.