--Ads--

CAUAYAN CITY– Dinakip ang  Isang LGU employee  matapos  masamsaman ng mga pampasabog at baril  sa isinagawang search warrant sa tahanan nito sa Brgy. Poblacion, Aritao, Nueva Vizcaya,

Sa nakuhang  impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan  sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office, inilatag ang oplan paglalansag omega na  nagresulta sa pagkakadakip ni Elmer Peralta, 57 anyos,  Aritao LGU employee at residente ng nabanggit na Lugar.

Pinangunahan Ang pagsisilbi  ng Search Warrant ng mga otoridad ng Nueva Vizcaya Provincial Field Unit-CIDG Regional Field Unit 2 kasama ang Aritao Police Station, 2nd NVPMFC, NVPPO PIU at Nueva Vizcaya  PECU na nagresulta sa pagkakaaresto ng pinaghihinalaan.

Nakuha  sa tahanan ng pinaghihinalaan ang Isang unit ng 60 mm Mortar bomb high explosive, 2 magazine ng Cal. 45,  mga   Live Ammunition ng 9mm,   isang  Cal.  22 Pistol na naglalaman ng magazine,

--Ads--

Nasamsam din ang isang Armalite Carbine 5.56 mm Airsoft na naglalaman ng magazine,  Isang Marksman 2004 Airsoft at Cal.22 airsoft na may empty magazine at Isang bottle copperhead pellet.

Ang operasyon ay sinaksihan ng  mga opisyal ng barangay na nagtagal ng humigit kumulang limang oras.

Dinala ang  pinaghihinalaan at ang nasamsam na mga  pampasabog at baril    sa Aritao Police Station .

Inihahanda na ang mga dokumento para sa pagsasampa ng  kasong paglabag sa Republic Act  10591 (Illegal Possession of Firearms)  laban sa  pinaghihinalaan .