--Ads--

CAUAYAN CITY– Nagsagawa ng silent protest ang mahigit 1,000 estudyante ng Northeastern College sa Santiago City upang ipanawagan na ipagpatuloy ang programa ng pamahalaan na Tertiary Education Subsidy (TES) matapos mai-anunsyong wala ng pondo para rito.

Ang naturang bilang ay ilan lamang sa mga first year student na silang pinaka apektado sa pagapatigil sa Tertiary Education Subsidy dahil sa kawalan ng pondo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan Kay Aljen Paul Uminga, 3rd year Education Student at TES Grantee, sinabi niya na bilang isang studyante ay kinalulungkot nito ang kawalan ng pondo para sa TES lalo na at mayroon din siyang kapatid na isa sa mga naapektuhan.

Malaking tulong aniya sa kanilang pag aaral ang TES at inaamin nila na isa rin ito sa dahilan kung bakit sila nag enroll dahil mayroon silang inaasahang tulong mula sa pamahalaan dahil sa kahirapan.

--Ads--

Malaking tulong aniya ang TES dahil Php60,000 ang nagmumula rito kada taon na ginagamit nila hindi lamang pang matriluka kundi sa iba pang pangangailangan tulad ng pagkain at gamot.

Marami aniyang gustong mag aral na wala naman kakayahang makapasok sa paaralan kaya naman sana ay dinggin ng pamahalaan ang kanilang kahilingan na bigyan ng sapat na pondo ang naturang programa.

Tinatayang nasa dalawang libo at limang daan ang mga bagong aplikente para sa naturang programa subalit dahil sa kawalan ng pondo ay may ilang mga estudyante na ang nagbabalak na mag drop-out dahil sa wala ng inaasahang tulong mula sa pamahalaan.

Kaya naman mensahe nalang din nito sa mga mag aaral lalo na sa 1st year student na pinaka apektado maging sa 2nd year student na maaring kabilang sa hindi mapopondohan na ipagpapatuloy pa rin nila ang kanilang pag aaral at wag mawalan ng pag asa dahil naniniwala siyang dirnggin ng pamahalaan ang kanilang panawagan.

Sa naging panayam naman ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Gerald Josue Manao, graduate student, kasalukuyang nagrereview at TES grantee, sinabi niyang maging siya ay nabigla sa balitang wala nang pondo ang TES at labis siyang nakikisimpatiya sa mga naapektuhang mag-aaral.

Malaking tulong aniya ang TES hindi lamang sa kanyang Academic kundi sa pagiging student leader din dahil wala na siyang iniisip sa kanyang pinansiyal na suliranin.

Mula aniya sa kanyang pagtungtong ng kolehiyo hanggang sa ngayong nagrereview na siya para sa paghahanda sa board exam ay TES pa rin ang sumasagot sa kanyang bayarin kaya naman sana ay maranasan din ito ng iba pang estudyante.

Ang pahayag ni Ginoong Gerald Josue Manao.