--Ads--

CAUAYAN CITY – Biglang tumaas ang presyo ng pulang sibuyas sa Pribadong pamilihan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Noel Tuliao, tindero ng mga rekado sa Primadong pamilihan, sinabi niya na noong nakaraang linggo ay biglang tumaas  ang presyo ng pulang sibuyas na ibinabagsak sa palengke.

Sa ngayon ay naglalaro na sa dalawang daan at walumpung piso ang kada kilo nito.

Wala naman umanong sinasabi sa kanila ang mga supplier kung bakit nagkaroon ng biglaang pagtaas ngunit may hinala silang dahil ito sa kawalan ng supply.

--Ads--

Nagmahal din ang storage fee sa mga sibuyas dahilan kaya nahila din nito ang presyo ng produkto.

Ang ibang sibuyas sa lungsod ay nanggaling pa sa Mindoro, at dahil sa pagmahal ng krudo ay naapektuhan din nito ang presyo.

Sa ngayon ay wala ding supply ng puting sibuyas sa palengke mula pa noong buwan ng Hulyo.

Nananatili naman sa isang daan at dalawampung piso ang presyo ng kada kilo ng bawang at walumpung piso sa kada kilo ng luya.