--Ads--

CAUAYAN CITY – Idineklara ng Phil. Drug Enforcement Agency o PDEA region 2 ang sampong karagdagang drug cleared barangay sa lambak ng Cagayan sa ginanap na 27th Regional oversight committee on drug clearing deliberation and confirment of drug cleared barangay sa Lunsod ng Ilagan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa PDEA region 2, dinaluhan ang 27th Regional oversight committee on drug clearing deliberation and confirment of drug cleared barangay ni Regional Director Joel Plaza ng PDEA Region 2.

Ang mga idineklarang drug cleared ay ang Barangay Basi West, Solana, Cagayan; Carig Sur at Penggue Ruyu Tuguegarao City; Malasin, Dupax Del Norte, Nueva Vizcaya; Quezon at Curifang Solano, Nueva Vizcaya; Luna, Santiago City; mga barangay ng Namnama, San Vicente at Villa Bello sa Jones, Isabela.

Naideklara namang Provisionally cleared ang Progressive, Gonzaga, Cagayan; Alibagu at Baculod City of Ilagan.

--Ads--

Idineklara namang safe ang apat na barangay ng Alcala, Cagayan dahil sa kawalan ng mga namomonitor na active drug personality.

Sa talaan ng PDEA noong buwan ng Hulyo nasa mahigit limang bahagdan na lamang ang kabuuang bilang ng barangay sa ikalawang rehiyon ang nakatakdang isailalim sa drug clearing.