--Ads--

CAUAYAN CITY– Patay ang dalawang motorista matapos masangkot sa magkahiwalay na aksidente habang lulan ng motorsiklo sa Ilagan City.

Ang mga biktima ay walang suot na helmet at hinihinalang nasaa impluwensya ng nakalalasing na inumin nang mangyari ang aksidente

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office (IPPO) naganap ang unang aksidente sa lansangang sakop barangay San Andres.

Minamaneho ni Elvis Baturi, 30 anyos, magsasaka at residente ng Marana 3rd, City of Ilagan, Isabela ang motorsiklo nang bumangga ito sa likuran ng nakaparadang Elf Closed Van na minamaneho ni June Mayor, 39 anyos na residente ng San Pablo, San Mariano, Isabela.

--Ads--

Dinala pa sa Gov. Faustino N Dy Sr. Memorial Hospital ang biktima na kalaunan ay binawian din ng buhay dahil sa malalang tinamong sugat sa katawan pangunahin na sa ulo.

Positibo umano ang biktima sa alcoholic breath analyzer

Samantala, nasawi rin ang isa pang tsuper matapos na bumangga sa poste ng ilaw sa barangay Baligatan, Ilagan City.

Ang nasawi ay si Arthur Alvarez , 32 anyos, security guard at residente ng barangay Aggassian, City of Ilagan, Isabela

Pauwi na ang biktima ng bigla na lamang nitong mabangga ang poste ng ilaw sa kalsadang nasasakupan ng barangay Brgy. Osemeña, Ilagan City.

Dahil dito nagtamo ng sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan na agad dinala sa pagamutan subalit binawian ng buhay .

Lumabas na nasa impluwensiya rin ng nakalalasing na inumin ang biktima ng maganap ang aksidente.

Muling nagpaalala ang mga awtoridad na ugaliing magsuot ng helmet at iwasang magmaneho kapag nakainom ng alak upang makaiwas sa aksidente.