CAUAYAN CITY – Mariing pinabulaanan ng pamunuan ng Public Order and Safety Division o POSD ang reklamo ng isang concerned citizen hinggil sa isang traffic enforcer na hindi umano nakasuot ng reflectorized vest habang nagmamando ng trapiko sa gabi.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin sinabi niya na maraming beses na silang nakakatanggap ng ganitong reklamo subalit walang naipapakitang ebidensiya.
Aniya may mga volunteer katulad ng mga intern na studyante, subalit hindi naman sila pinapayagan na magmandona ng trapiko kapag gabi.
Walang dahilan aniya na hindi magsuot ng gamit dahil kumpleto ang supply na ibinibigay ng Pamahalaang Lunsod sa kanilang hanay.
Dagdag pa ni POSd Chief Mallillin na strikto sila sa pagsusuot ng kumpletong uniporme.
Nagbabala naman siya sasa kaniyang mga tauhan na hindi sumusunod na sila’y matatanggal kung mapatunayang sila’y nagpabaya sa kanilang mga tungkulin.
Payo naman ni POSD chief Mallillin sa mga nagrereklamo na kunan ng video ang traffic enforcer na walang reflectorized vest at isumite sa kanilang tanggapan upang agad na maaksiyunan.