Multiple Partners at Same-Sex Intercourse ang nakikitang dahilan ng pagdami ng mga Kaso ng Sexually Transmitted Infections at Human Immunodeficiency Virus o STI/HIV Aids sa Lungsod.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Nurse Delia Gonzalvo, STI/HIV Coordinator ng City Health Office o CHO1 na patuloy ang kanilang monitoring sa mga kaso na may kaugnayan sa Sexually Transmitted Infections o STI at Human Immunodeficiency Virus o HIV.
Aniya, dumarami ang mga kaso ng STI/HIV na naitatala ng CHO1 subalit nilinaw niya na malayo pa naman sa high-rate kung ang batayan ay ang mga datos sa kasalukuyan.
Isa sa nakikitang dahilan kaya marami pa ring nagpopositibo sa STI/HIV ay dahil sa multiple partners o paiba-ibang nakakaniig gayundin ang pakikiniig sa kaparehong kasarian o same sex na walang ginagamit na proteksiyon.
Marami ang nahihiya na magpatingin o kumunsulta sa mga hospital sa mga may ganitong uri ng karamdaman lalo na sa mga hindi naman entertainer.
Tiniyak naman CHO1 na confidential ang pagkakakinlalan ng mga nagpapasuri sa kanilang tanggapan.
Dumadaan naman sa counseling at sampung araw na treatment ang mga taong nakakapitan ng mga Sexually Transmitted Infections tulad ng Chlamydia, Gonorrhea, at Herpes.
Ang mga mayskit naman ng HIV Aids ay dinadala sa Treatment Home ng Department of Health sa mga Lungsod ng Santiago at Tuguegarao.
Nagbabala si Nurse Gonzalvo na kung hindi magpapasuri at magpagamot ang mga may sakit ng STI-HIV AIDS ay mas lalo pang dumami ang mga magiging kaso sa lunsod.
Payo niya na maging tapat at makontento sa kanilang asawa o partner para makaiwas sa mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik.