--Ads--

NUEVA VIZCAYA – Sinampahan na ng kaso ang mga suspek sa pagpatay sa isang binatilyo na natagpuan sa bahagi ng Solano Public Cemetery sa Barangay Roxas, Solano.

Batay sa imbestigasyon ng Solano Police Station natukoy na employer ng biktima ang isa sa mga suspek kabilang ang mga nagsilbing accessory sa krimen na dalawang lalaking helper nito.

Batay sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan Kay PMaj. Anthony Ayungo ng Solano Police Station, sinabi niya na tinutukan ng kanilang himpilan ang nasabing kaso at natukoy ang mga suspek sa tulong ng isinagawang manhunt operation at pakikipag-ugnayan nila sa mga otoridad sa Isabela maging sa tulong ng social media at CCTV Camera.

Batay sa kuha ng CCTV Camera sa bahay ng employer, salungat ito sa unang pahayag ng mga ito na umuwing mag-isa ang nasabing menor de edad.

--Ads--

Makikita sa kuha ng CCTV Footage ang isang forward truck na lulan ang mga suspek at may natatakpan nang katawan ng menor de edad.

Pinaniniwalaang ito ang kuha bago itinapon ang biktima sa damuhan.

Ayon sa pahayag ng mga suspek, aksidenteng natamaan ng bala ng baril ang ulo ng binatilyo noong ina-assemble ng employer ang baril nito.

Bigla umanong hinawakan ng menor de edad ang braso ng kanyang employer na naging sanhi ng pagkakalabit nito sa baril at tinamaan ito sa noo.

Naniniwala naman ang hepe na may foul play sa nasabing krimen.

Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya  sa nasabing kaso ng namatay na menor de edad.