--Ads--

CAUAYAN CITY – Bago sa Pilipinas at dayuhan ang konsepto kaya may mga tutol sa paglikha ng Sovereign Wealth Fund (SWF) na pinagtibay na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Congressman Antonio Albano ng 1st district ng Isabela na ang panukalang pagtatag ng SWF ay nanggaling mismo sa mga economic managers ni Pangulong Bongbong Marcos dahil sa magandang konsepto.

Mahusay aniya ang pagpapatupad sa programang ito sa 50 na bansa.

Ginagawang isyu lamang  ang mga hindi magandang naganap sa ilang bansa tulad sa Norway na nalugi ang kanilang pamahalaan sa kanilang Sovereign Wealth Fund.

--Ads--

Iginiit ni Congressman Albano na bagamat naipasa na kagabi ang panukalang batas matapos sertipikahang urgent ni Pangulong Marcos ay pinag-aralang mabuti ito ng mga kongresista at apat na araw ang isinagawa nilang debate.

Tatlong house committee aniya ang pinagdaanan ng panukalang batas

Ayon kay Congressman, Albano ang SWF ay magmumula sa mga excess o sobrang pondo  ng mga financial institutions ng pamahalaan tulad ng Government Service and Insurance System (GSIS)at ang Land Bank of the Philippines ay mayroong 1.2 trillon pesos na sobrang pondo na natutulog lang at kailangan nilang ipuhunan.

Ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) naman ay may taunang dividendo at umabot na sa 35 billion pesos na babalik lang sa pamahalaang pambansa.

Iginiit ng kongresista na mahusay na paglagakan ng puhunan ang Sovereign Wealth Fund dahil may mga safeguards kaya walang talo.

Sinabi pa ni Congressman Albano na kung ang sobrang pondo na ipupuhunan ay ilalagay lang sa bangko ay 4% lang ang kita habang sa SWF ay mahigit 7% at puwedeng umabot sa 30% hanggang 40% ang kita kung marami ang mamumuhunan.