
CAUAYAN CITY– Malaking dagok sa mga rebeldeng pangkat ang pagpanaw ni CPP Founding Chairman Jose Maria Sison na kasalukuyang naka-exile sa Netherlands.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Army Captain Rigor Pamittan, pinuno ng Division Public Affairs Office ng 5th Infantry Division Phil. Army na ang pagpanaw ng CPP Founding Chairman Jose Maria Sison ay wala nang ilaw na gagabay sa mga kasapi ng NPA sa kanilang arms struggle.
Ang founding anniversary pa mandin ng NPA ay sa December 26 na itinatag noong 1959.
Nakikita na rin nila ang magandang resulta ng mga programa ng pamahalaan para sa mga rebelde kayat tuloy tuloy ang pagbagsak ng rebeldeng pangkat sa lambak ng Cagayan at sa Cordillera Administrative Region maging sa buong bansa.
Hindi rin anya maikakaila na si Joma Sison ang naging utak ng lahat ng mga pamamaslang,panununog ng mga gamit ng mga malalaking kompanya maging ang pagsira sa kinabukasan ng mga kabataan.










