--Ads--

CAUAYAN CITY– Naniniwala ang Ibon Foundation na wala sa panahon at hindi nararapat ang isunusulong na Maharlika Investment Fund o MIF dahil walang katiyakan na kikita.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Executive Director Sonny Africa ng IBON Foundation hindi napapanahon ang pagbuo ng Maharlika Investment Fund dahil walang labis na pondo ang pamahalaan para ito ay pondohan.

Malaki anya ang budget defficit ng pamahalaan, lumalaki ang utang ng bansa at nangangailangan ng pondo para sa pamimigay ng ayuda.

Hindi rin sila sang-ayon sa sinasabi ng pamahalaan na malaking pondo ang kikitain o papasok sa MIF dahil ilalagay ang mga magagaling na economic managers sa naturang Infest Fund.

--Ads--

Wala anyang katiyakan na kikita ang MIF dahil sa taong 2023 ay mararamdaman ang Global recession at babagal at bababa ang ekonomiya ng buong mundo kabilang ang bansa.

Napaka-alanganin na maglagay ng pondo sa MIF dahil alanganin ang pag-angat ng ekonomiya ng Pilipinas sa susunod na taon.

Mas maganda anyang gamitin na ayuda kung mayroong natitira pang pondo ang pamahalaan.