CAUAYAN CITY- Nagpulong ang Liga ng mga barangay President sa buong Lalawigan upang talakayin ang mga gagawing hakbang para sa 1 million in in a day tree planting activity.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Liga ng mga Barangay Federation President Dante Halaman sinabi niya na ang tree planting activity ay isasagawa sa bukas December 20, 2022 at isang milyong bamboo shoots down stream to up stream ng Cagayan River .
Maliban sa Bamboo shoots o kawayan ay magtatanim rin sila ng mga Fruit Bearing trees at Mahogany.
Nagbigay ng seedlings ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela habang ang ilang LGU ay bumili ng ibat ibang species ng punong kahoy.
Bawat pinuno ng Liga ng barangay ang siyang mag momonitor sa kani kanilang mga nasasakupan para sa itinakdang quota para sa bawat bayan partikular sa mga itatanim ng fruit bearing tress sa mga paaralan.
Panawagan niya ngayon sa lahat ng mga namumuno sa 1018 barangay sa buong lalawigan na makiisa sa gaganaping tree planting activity bukas na isa sa mga napakagandang proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan.