--Ads--

CAUAYAN CITY– Isa patay tatlo sugatan sa naganap na pananaga sa Sitio Ibbong, Brgy. Balbalasang, Balbalan, Kalinga.

Ang pinaghihinalaan ay si Vicente Lao-ing, 33 anyos,may kapansanan sa pagiisip, binata, residente ng naturang lugar.

Ang nasawi ay si Stoop Kibayen, 80 anyos, magsasaka residente ng Balbalasang, Balbalan, Kalinga na nagtamo ng malubhang sugat sa ulo na naging sanhi ng kaniyang kamatayan.

Sugatan naman sina Dexter Dagson, 20 anyos, residente ng Saltan, Balbalasang, Balbalan, Kalinga; Krisvil Dao-an ,29 anyos, at Ashley Molang , 30 anyos, kapwa binata, minero at residente ng Ibong, Balbalasang, Balbalan, Kalinga.

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCaptain Raffy Manganip, tagapagsalita ng Kalinga Police Provincial Office sinabi niya na kahapon ng umaga ng makatanggap sila ng tawag mula kay Derek Lao-ing kawani ng DENR kapatid ng pinaghihinalaan may kaugnayan sa umano’y pagwawala ni Vicente.

Agad aniyang tumugon ang mga kasapi ng Balbalan Municipal Police station at nagtungo sa lugar subalit pagsapit sa bahagi ng Brgy. Pantikian ay nakasalubong nila ang sasakyang kinalululanan ng mga biktima na sinusundan ng isa pang sasakyan lulan ang pinaghihinalaan at dadalhin sa Western Kalinga District Hospital kasama si Brgy. Chairman Edwin Paganao at mga kasapi ng 50th Infantry Battalion Charlie Company na nakahimpil sa Saltan, Balbalasang, Balbalan, Kalinga.

Lumalabas sa kanilang inisyal na pagsisisyasat na nagwala ang pinaghihinalaan na umano’y may kapansanan sa pag-iisip at pinagtataga nito ang lahat ng kanyang makasalubong sa daan.

Batay sa isang saksi una nitong nakasalubong ay ang 80 anyos na si Stoop Kibayen at tinaga sa kaliwang sintido nanlaban pa umano ang biktima gamit ang kahoy subalit nataga parin ito ni Lao-ing.

Sinubukan namang umawat ni Dao-an subalit maging siya ay nataga rin sa kanang balikat, muling nagwala at nataga rin ng suspek sina Mulang at Dagson.

Napigilan lamang ang suspek sa pananaga nito nang hampasin ito ng kahoy sa ulo ng kaniyang ama at sa tulong ng isa pang nakakita sa insidente ay itinali ang pinaghihinalaan bago nadala sa pagamutan kasama ang iba pang biktima.

Aniya, bagamat sinasabing may kapansanan sa pag-iisip ang pinaghihinalaan ay isasampa pa rin nila ang kasong homicide and multiple physical injuries laban sa kaniya.

Ang pahayag ni PCaptain Raffy Manganip