CAUAYAN CITY– Nagbibigay ng libreng training ang Department of Information and Communications Technology (DICT) Isabela para sa mga gustong maging online service provider.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Cirilo Gazzingan Jr., Provincial Officer ng DICT Isabela, sinabi nito na nagbibigay sila ng libreng training sa lahat ng may gusto na matuto sa mga trabaho sa freelancing industry particular ang pagiging isang freelance online service provider.
Aniya, ang kagandahan nito ay galing pa sa Metro Manila ang magtuturo sa mga kakailanganing skills ng kanilang mga magiging estudyante.
Magtatagal naman ng dalawang-buwan ang nasabing training at nasa 25 katao ang kaya nilang turuan sa loob ng dalawang buwan mula Lunes hanggang Sabado sa loob ng 12 araw na face-to-face training at online training….
Mayroon din aniyang certificate na ibibigay sa mga magtatapos at may graduation ceremony din para sa mga trainee.
Dagdag pa ni Gazzingan na bukas ito sa lahat kahit pa ang mga plain housewife at out-of-school youth basta edad 18 pataas at may basic knowledge pagdating sa laptop o computer, residente ng Cauayan City o karatig bayan, marunong bumasa at nakakaintindi ng wikang Ingles.
Dagdag pa ni DICT Provincial Officer Gazzingan na ang kagandahan nito ay maaring magkaroon na ng employeer ang isang trainee habang sumasailalim pa lamang sa pagsasanay at maaaring kumita ng mga dolyar kahit nasa kanilang mga tahanan….
5 dollars per hour aniya ang maaaring kitain ng isang employee sa ganitong trabaho.