--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ang tatlong lalaking sangkot sa naganap na panghoholdap sa Quezon, Isabela at Tabuk City, Kalinga .

Ang mga dinakip ay sina Nico Bala, residente ng Tabuk City, Kalinga; Ismael Salibad,31 anyos, residente ng Pinukpuk, Kalinga at isang15 anyos na itinago sa Alyas Boy.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Major Joseph Curugan, hepe ng Quezon Police Station na nakatanggap sila ng impormasyon sa isang concerned citizen na namataan ang mga pinaghihinalaan sa naganap na Robbery sa isang tindahan ng Poultry Supplies.

Agad tumugon ang mga pulis at pagdating sa lugar ay eksaktong papaalis na ang mga pinaghihinalaan.

--Ads--

Pinaputukan ang mga pulis ng mga pinaghihinalaan ngunit habang papatakas ay aksidenteng natumba ang kanilang sinakyang motorsiklo kayat tumakbo papalayo sa nasabing lugar.

Nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga otoridad hanggang makita ang tatlong pinaghihinalaan na naglalakad sa barangay Arellano, Quezon na agad inaresto.

Nakuha sa kanilang pag-iingat ang tatlong baril na kinabibilangan ng dalawang Caliber 45 pistol at isang improvised shotgun at tatlong granada na nakuha sa pag-iingat ng tatlong pinaghihinalaan.

Sinabi pa ni Major Curugan na mayroong warrant of arrest sa kasong robbery si Nico Bala na nasamsaman pa ng isang bricks ng Marijuana.

Positibo namang kinilala ng may-ari ng tindahan ng poultry products ang tatlong pinaghihinalaan na nangholdap sa kanila.

Si Bala ay mayroon na ring kaso ng Robbery sa Tabuk City, Kalinga.

Inihahanda na ng pulisya ang mga kaukulang kaso na isasampa sa tatlong pinaghihinalaan.