--Ads--

Hindi naging maingat ang dating administrasyong Arroyo sa pakikipagkasundo o deal sa ibang bansa para sa eksplorasyon sa West Philippine Sea.

Ito ay matapos ideklara ng Supreme Court na unconstitutional ang 2005 Joint Marine Seismic Undertaking JMSU deal na pinasok ng bansa kabilang ang China at Vietnam sa ilalim ng administrasyon ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Domingo Cayosa, dating presidente ng Integrated Bar of the Philippines, sinabi niya na kung titingnan ang nilalaman ng konstitusyon ay nararapat lamang na ang eksplorasyon ng mga natural resources ay dapat full control ng estado.

Batay sa konstitusyon, ang anumang eksplorasyon na gagawin sa natural na yaman ng bansa ay dapat na mga pilipino ang mangunguna o kompanyang mula sa Pilipinas ang may 60% share sa eksplorasyon.

--Ads--

Sana ginawa na lamang aniyang package na technical o financial assistance ang maibibigay ng foreign countries at hindi joint venture ang ginawa ng pamahalaan upang hindi sana lumabag sa konstitusyon.

Umaasa si Atty. Cayosa na sa administrasyong Marcos at sa mga susunod pang administrasyon ay mas magagabayan na ang desisyon sa naturang usapin dahil isa itong kayamanan ng bansa na hindi dapat basta na lamang kinukuha ng ibang bansa dahil lamang sa maling kasunduan.

Aniya bagamat kailangan ang eksplorasyon sa natural resources ng bansa ay hindi naman kaya ng bansa na sarilihin ito dahil sa kakulangan sa pondo.

Dahil dito kailangan pa rin ang tulong ng ibang bansa ngunit hindi dapat na joint venture ang kasunduan.

Ang bahagi ng pahayag ni Atty. Domingo Cayosa.