Nasa dalawamput siyam na naggagandahang dilag ang nagpamalas ng kanilang angking galing at ganda sa ginanap na Queen Isabela 2023.
Ginanap ang Grand Coronation night kagabi sa Queen Isabela Park.
Una rito, isinagawa ang Judging ng Creative Attire ng bawat kandidata bilang unang bahagi ng aktibidad sa nabanggit na patimpalak noong ikadalawamput tatlo Enero taong kasalukuyan.
Sinundan naman ito ng Opening ng Exhibit ng Creative Attires ng mga kalahok sa kaparehong araw na ginanap sa SM City Cauayan.
Kinoronahan bilang Queen Isabela 2023 ang pambato ng bayan ng San Manuel na si Bb. Catherine Joy Legaspi.
Bb. Catherine Joy Legaspi
Nag-uwi siya ng nasa limampung libong piso at iba pang gift certificates mula sa ibat ibang sponsors.
Wagi naman bilang Queen Isabela Tourism ang pambato ng Cauayan City na si Bb. Juliemae Villanueva at Queen Isabela Culture & Arts si Bb. Johanna Trisha Cinco, pambato ng Bayan ng Ramon.
1st Runner Up naman ang pambato ng Indigenous People Community na si Bb. Jaycel Lumauig at 2nd Runner Up si Bb. Cherie Lee Garlijo ng bayan ng Alicia.
Final 5 ang Cauayan City, Ramon, Indigenous People Community, San Manuel at Alicia.
Best in Talent si Bb. Jon Jesusa Del Mundo na pambato ng bayan n Naguilian; Best Creative Attire si Bb. Jazkaren Corpuz ng Echague; Best Portrait/Photogenic si Bb. Christine Mae Mapatac ng Roxas at Best in Swimwear si Bb. Juliemae Villanueva ng Cauayan City.
Wagi naman ng Texter’s Choice award si Bb. Karla Mae Dulay ng bayan ng Quirino at Best in Evening Gown si Bb. Juliemae Villanueva ng Cauayan City.
Umabot naman sa TOP 10 ang Sta. Maria, Quirino, Indigenous People Community, Alicia, San Manuel, Ramon, Cauayan City, Roxas, Benito Soliven at Echague.