--Ads--

CAUAYAN CITY – Dumating na kahapon lulan ng dalawang Cessna plane ang labindalawang kasapi ng 14th Special Action Force Batallion na tutulong sa ground rescue operation sa Maconacon, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Army Captain Rigor  Pamittan, Chief ng Division Public Affairs Office ng 5th Infantry Division Phil. Army  na ang  labing dalawang kasapi ng 14th Special Action Force Batallion ay pangunahin pagtutuunan ng operasyon ang Alpha site na napakalawak at bulubunduking lugar.

Ang Alpha site ay ang lugar na nauna nang nakakitaan ng white object na hinihinalang ang nawawalang cessna plane.

Nauna na ring nasa lugar ang  tropa  ng Phil. Army na nagsasagawa ng tuloy-tuloy na ground rescue operations ay tuloy tuloy ang kanilang paghahanap at hinahatiran na lamang sila ng kanilang food supply at iba pang mga kinakailangan.

--Ads--

Malaking balakid anya sa mga rescuers ang malawak na bulubunduking lugar  at hindi na sila nasisilayan ng araw dahil sa makapal na mga puno, dagdag pa ang makapal na hamog at malakas na ulan maging ang unpredictable weather condition.

Nagkakaroon ng low visibility sa nabanggit na lugar kayat hindi gaanong makakilos ang mga nagsasagawa ng ground and rescue operations maging ang aerial operations.

Maaga pa lamang anya ay naghahanda na ang mga eroplano ng Phil. Airforce dahil kapag mayroong pagkakataon na magliwanag sa lugar ay agad silang makapagsagawa ng aerial search and rescue operation sa  Apha site.