--Ads--

CAUAYAN CITY – Naninindigan ang Punong Lalawigan ng Cagayan na hindi siya pabor a pagtatayo pa ng karagdagang EDCA site ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Governor Manuel Mamba sinabi niya na hindi na dapat sila makialam sa mga usaping wala na silang kinalaman lalo na sa mas tumitinding girian ng mga super power o malalaking Bansa.

Aniya hindi pa handa ang Cagayan sa naturang tungkuloin partikular ang pagkakaroon ng EDCA site dahil posibleng makaapekto ito sa kanilang komunidad.

Kung sakaling hindi sa Cagayan itayo ang isa sa apata na pinibagong EDCA site ay banta parin ito para sa Pilipinas lalo na at wala namang banta sa seguridad ng Pilipinas mula sa Ibang Bansa maliban pa ito sa kasalukuyang umiiral na Mutual Deffense Treaty.

--Ads--