--Ads--

CAUAYAN CITY – Ipinaliwanag ng mga kawani ng Mines and Geosciences Bureau o MGB na ang sanhi ng sink hole na lumalaki sa bayan ng Calayan, Cagayan ay dahil pagkatunaw ng mga limestone o lupa sa pagitan ng mga bato at hindi crack dahil sa earth movement.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Mayor Joseph Llopis ng Calayan, Cagayan na babalik ang mga kawani ng MGB sa kanilang bayan upang magsagawa ng malawakang inspection dahil maaaring mayroon pang mas malaking sinkhole.

Sa mga susunod na inspection ng mga kawani ng MGB ay ipapasuri nila ang mga lugar na tinaguriang faultline sa kanilang bayan.

Samantala, inihayag pa ni Mayor Llopis na naramdaman nila sa kanilang bayan ang 5.7 magnitude na lindol.

--Ads--

Kaagad  niyang ipinatawag ang kanyang MDRRMO at tinawagan ang mga punong barangay na nasa faultline matapos ang malakas na pagyanig.

Batay sa mga naunang impormasyon ay wala namang naitalang pinsala ng lindol sa kanilang lugar.

Ang pinakamataas nilang gusali ay ang tatlong palapag nilang munisipyo habang karamihan ng mga bahay sa kanilang bayan ay bunggalow.