CAUAYAN CITY – Isang gold at silver medal ang napanalunan ng injured na pambato ng Pilipinas sa Southeast Asian Games noong 2022 sa ginaganap na Philippine Athletics Championships sa Ilagan Sports Complex.
Nakuha ni John Albert Mantua, tatlumpung taong gulang ang pilak na medalya para sa koponan ng Ilagan City – National Team.
Ang gold medal ay nasungkit ni John Albert sa larong discuss throw men open category.
Ang throw distance na nagawa niya ay may layo na 48.83 meters. Mas malayo ng mahigit anim na metro kaysa sa silver medalist na si Ed DeliƱa ng University of the Philippines.
Samantala, ang silver medal ay nakamit ni John Albert sa larong shot put men open category kung saan ang layo ng kanyang bato ay umabot sa 16.93 meters.
Lumamang ng kalahating metro ang bato ng gold medalist na si Jonah Chang Rigan kaya nabigo si John Albert na masungkit ang gintong medalya.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay John Albert Mantua sinabi niya na wala ng epekto ang kanyang naging injury noong nakaraan taon dahil nabigyan siya ng sapat na oras upang makarecover.
Tatlong buwan umano ang kanyang ginugol para makarekober.
Nang bumalik siya sa pag-eensayo, siniguro ng kanyang coach na tama para sa kanyang kondisyon ang uri ng training na ginawa niya.
Aminado si Mantua na hindi siya nakontento sa naging performance niya sa discuss throw.
Goal niya sanang umabot hanggang 50 meters ang kanyang throw o bato subalit masaya naman siya sa resulta ng laro niya sa shot put.