--Ads--

CAUAYAN CITY – Pabor si Isabela Governor Rodito Albano sa paglalagay ng isa sa apat na bagong Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Governor Albano na kinunsulta sila sa paglalagay ng EDCA site sa Gamu, Isabela at susunod ang pamahalaang panlalawigan sa desisyon ni Pangulong si Ferdinand Marcos Jr.

Sa pagtutol ni Governor Manuel Mamba ng Cagayan dahil sa pangamba na magkaroon ng giyera sa kanilang lugar sinabi ni Governor Albano na wala namang magagawa kung tatargetin ang bansa.

--Ads--

Sinabi pa ni Governor Albano na nais niyang magamit ang EDCA site sa Isabela para sa economic at humanitarian purposes.

Kung magkakaroon aniya ng weather radar sa eastern seaboard ay magkakaroon ng maayos na biyahe sa apat na coastal towns ng Isabela.

Pinawi rin ni Gov. Albano ang pangamba ng taumbayan hinggil sa paglalagay ng EDCA site sa Isabela dahil hindi mangyayari ang pinangangambahang giyera sapagkat naniniwala siyang hindi gagawin ng China ang paglusob sa Taiwan.