--Ads--

CAUAYAN CITY– Nagpaalala ang Department of Health (DOH) region 2 sa publiko na mag-ingat sa mga pagkain upang makaiwas sa food poisoning ngayong panahon ng tag-init.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Health Education and Promotion Officer 3 Lexter Guzman ng DOH Region 2 na madaling mapanis ang mga pagkain ngayong mainit na panahon.

Sinabi niya na laging lutuin ang mga kinakain at kainin ang mga pagkain habang mainit pa.

Kapag mayroong mga natirang pagkain ay ilagay sa refrigerator

--Ads--

Palagi anyang maghugas ng kamay habang inihahanda ang mga pagkain at kapag mayroong mga nararamdamang sakit ay iwasang magluto para sa pagkain ng buong pamilya.

Dapat din na suriin at tiyaking malinis ang mga binibiling inumin sa labas upang makaiwas sa pananakit sa tiyan.

Pakuluin din ang inuming tubig ng hanggang dalawang minuto habang sa mga prutas ay laging hugasan o balatan bago kainin.

Ang pahayag ni Health Education and Promotion Officer 3 Lexter Guzman ng DOH Region 2.