CAUAYAN CITY– Labis ang panlulumo ng mag-inang Beverly Blanco at Annabelle Delara matapos na looban at pagnakawan ang kanilang tindahan sa barangay Barucboc, Quezon, Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Beverly Blanco, kaninang umaga ng magising ang kaniyang nanay at magbubukas ng tidahan ng mapansin nitong nakabukas ang kanilang gate maging ang kanilang tindahan.
Agad umano nitong tinawag ang isa sa pamangkin upang ipatawag silang magkakapatid dahil sa takot na mayroon pang tao sa loob ng tindahan.
Pagdating niya ay agad na tinignan nila ang mga kaha at nakabukas na lahat.
Mahigit Php60,000.00 at ilang ream ng sigarilyo ng tinangay ng mga magnanakaw .
Ang pahayag ni Beverly Blanco
Inihayag ni Ginang Anabelle Delara maaring dakong 1:00AM hanggang 2:00PM pinasok ng mga magnanakaw ang kanilang tindahan.
Maaring tatlong tao ang nasa likod ng pagnanakaw dahil hindi kakayanin ng iisang tao lamang ang pagputol sa kanilang padlocK.
Ayon sa kanilang kapitbahay tatlong kalalakihan ang nakita nilang umaaligid sa harapan ng kanilang tindahan.
Labis ang kanilang panlulumo at kalungkutan dahil ilang araw nilang pinaghirapan na kitain ang mahigit pitumpung libong piso na tinangay ng mga magnanakaw dahil gagamitin sana nila ito para sa pag-papadialysis ng kaniyang asawa.
Ang pahayag ni Ginang Anabelle Delara