--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang isang lalaki matapos itong mabangga at magulungan ng isang pampasaherong bus habang nagbibisikleta sa national highway na bahagi ng Brgy. Roxas, Cordon, Isabela.

Ang nasawi ay si Juanito Vercida, 59 anyos, may-asawa at residente ng . Turod Sur, Cordon, Isabela.

Ang driver naman ng Florida bus ay si Edgar Boy Borja Jr. 53 anyos, nakatira sa Garit Norte, Echague, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMajor Fernando Mallillin, hepe ng Cordon Police Station sinabi niyang parehong patungong north direction ang bisekleta at ang bus at nang makarating ang dalawa sa pinangyarihan ng aksidente ay bigla umanong lumiko ang bisikleta pakaliwa mula sa outer most lane dahilan kaya’t nahagip ito nang humaharurot na bus.

--Ads--

Sa lakas ng pagkakasalpok ay pumailalim sa sasakyan ang biktima at nagulungan pa o na nagresulta ng kanyang agarang pagkamatay.

Ayon kay PMajor Mallillin, mabilis umano ang takbo ng bus at wala din umanong ilaw ang bisikleta dahilan kaya hindi umano nakaiwas ang driver ng bus.

Ayon naman umano sa pamilya ng biktima na mayroong sakit si ginoong Juanito na pagiging makakalimutin at umaalis umano ito ng bahay sa mga alanganing oras.

Wala din umanong nakapansin sa kanila na lumabas nang bahay ang biktima sa ganoong oras at nagbisekleta.

Sa ngayon ay nag-uusap na ang dalawang panig at ayon kay PMaj. Mallillin, may plano umano ang pamilya ng biktima na makipag-ayos sa kompanya ng bus.

Ang Bus ay mula sa kalakhang Maynila at bibiyahe sana patungo sa lungsod ng Tuguegarao sa lalawigan ng Cagayan.

Dinala naman sa himpilan ng pulisya ang bus at inilipat sa ibang sasakyan ang mga pasahero upang ipagpatuloy ang biyahe.

Ang pahayag ni PMajor Fernando Mallillin.