CAUAYAN CITY – Pormal nang binuksan sa publiko noong araw ng Martes ang 5th ID Museum.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Maj. Rigor Pamittan, chief ng Division Public Affairs Office (DPAO) ng 5th Infantry Division Philippine Army na pinasinayaan ang open house ng 5th ID Museum ng Isabela provincial Tourism Office at ni 5TH Infantry Division Commander Brig. General Audrey Pacia.
Layunin nito na mapasyalan ng publiko ang loob ng kampo ng 5th ID upang makita nila ang mga magagandang kasaysayan at kung paano nagsimula ang naturang dibisyon bilang isang army unit hanggang naitayo sa permanent base nito sa Camp Melchor Dela Cruz Upi, Gamu, Isabela.
Makikita sa Museum ang mga artifacts, mga makasaysayang napanalunang laban ng 5TH ID pangunahin na sa Marag Valley at ang pagkaka-intercept sa paggamit sa karagatan ng mga rebelde na pag-smuggled ng mga armas na galing China.
Makikita rin ang mga nakaraang Division Commanders ng 5TH ID na malaki ang naiambag sa kasalukuyang estado ngayong taon.
Kailangan anyang maisaayos ang park malapit sa museum upang madalaw ng mga nagnanais magtungo sa 5th ID Museum.