CAUAYAN CITY – Bumuhos ang mga pakikiramay sa pagpanaw ni Governor Carlos Padilla ng Nueva Vizcaya sa edad 78.
Ang pagpanaw ng gobernador ay kinumpirma mismo ng kanyang pamilya
Si Governor Carlos Padilla ay ipinanganak noong September 19, 1954.
Siya ay unang nagsilbing mayor ng Dupax del Norte, Nueva Vizcaya at noong 1978 ay napabilang sa walong Assemblymen sa region 2 sa interim-Batasang Pambansa bilang miyembro ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL).
Naging Congressman din siya ng lone district ng Nueva Vizcaya at naging House Deputy Speaker at House Minority Leader.
Si Governor Padilla ay naging miyembro ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) at House of Representatives Electoral Tribunal (HRET).
Marami rin siyang isinulong at naipasang batas sa larangan ng edukasyon kabilang ang landmark na Republic Act (RA) 6655 o Law on Free High School Act of 1988, ang batas na lumikha sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA), the Philippine Nursing Act at marami pang iba.
Samantala, malaking kawalan sa region 2 si yumaong Governor Padilla.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Governor Rodito Albano ng Isabela na malaking kawalan sa Regional Development Council (RDC) region 2 si Governor Padilla na nagsisilbi ring chairman ng council.
Ipinarating ni Gov. Albano ang pakikiramay ng buong mamamayan ng Isabela sa pagpanaw ni Gov. Padilla.
Aniya napakagaling na leader at mentor at itinuturing nilang ama ang namayapang gobernador na nakasama nila sa 11th congress at tinuruan niya ang mga batang mambabatas.
Magugunitang nanalo sa 3 termino bilang ng governor ng Nueva Vizcaya si Padilla noong 2016, 2019 at 2022 elections.