--Ads--

CAUAYAN CITY – Magpapatupad ng massive security events ang hanay ng pulisya sa United Kingdom para matiyak ang kaligtasan sa koronasyon ni King Charles III at mga head of states na dadalo sa koronasyon. 

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Malcolm Conlan na mahigit 11,500 pulis ang ipapakalat sa mga lansangan na daraanan ng hari na maituturing na biggest police operations upang matiyak ang kaligtasan ng bagong hari at mga world leaders na dadalo sa koronasyon.

Nagsasaya na ang milyun-milyong tao sa United Kingdom at inaabangan na ang magarbong koronasyon.

Itnuring naman ng iba pangunahin na ng maapektuhan sa koronasyon na destructive para sa kanila ang koronasyon at tiyak na magsasagawa sila ng kilos protesta sa araw ng koronasyon.

--Ads--

Ganap na alas dose ng tanghali ay kokoronahan si King Charles III at si Queen Consort Camila na magtatagal hanggang alauna ng hapon, oras sa United Kingdom.

Tinig ni Bombo International News Correspondent Malcolm Conlan.