CAUAYAN CITY – Dinagsa ng mga tao ang London City kung saan ginanap ang koronasyon ni King Charles III.
Inihayag ni Bombo International News Correpondent Atty. Girlie Gonito na dinagsa ng mga tao ang London City partikular sa Westminster Abbey kung saan naitalaga ang 11,000 pulis para sa seguridad.
Aniya marami ngayon ang nagdiriwang bilang pakikiisa sa makasaysayang yugto para sa buong United Kingdom.
Marami ang nagdiriwang sa mga commercial hubs, pubs, at iba’t ibang mga communities.
Matagal na pinaghandaan ang koronasyon ni King Charles III gayunman may ilang pagbabago sa royal procession dahil sa naranasang pag-ulan kaya sa halip na umikot sa big ben ay dumiretso ang ruta mula sa Buckingham palace sa Westminster Abbey kung saan ginawa ang coronation.
Ilan rin sa mga imbitadong celebrities tulad nina Lionel Richee at Katty Perri ang magdaraos ng konserto na gaganapin sa Windsor Castle ngayong araw kasama ang ilang Pilipino Singer.
Inaasahan na magpapatuloy pa ang mga kasiyahan at pagdiriwang sa iba’t ibang bahagi ng United Kingdom ngayong araw.