--Ads--

CAUAYAN CITY – Isang Philippine Military Academy Cadet mula sa bayan ng Tinglayan, Kalinga ang kabilang sa top performing cadets sa 311 na PMA Madasigon Class of 2023 na nakatakdang magtapos sa ikadalawamput isa ng Mayo ngayong taon.

Si Cadet 1st Class John Rozz Class Oggang ay tatanggap ng Male Athletic Saber award. Ang mga Athletic Saber awardees ay mga nakakuha ng mataas na marka sa physical activities at subjects gaya ng sports.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Cadet 1st Class Oggang, dalawamput tatlong taong gulang, residente ng Tinglayan Kalinga, sinabi niya na masaya siya at malapit na ang kanilang pagtatapos.

Ayon kay Cadet 1st Class Oggang bago ang kanyang pagpasok sa PMA, ay nagtraining mula sa sa Team Lakay ng tatlong buwan na malaki ang naitulong sa kanya upang maging outstanding athlete.

--Ads--

Aniya napakalaki ang naging epekto ng PMA sa kanyang buhay bilang isang mamamayang Pilipino.

Aniya kinailangan niyang sumunod o bumagay sa mga standards sa karakter, academics, training at iba pang pisikal na aktibidad upang makatapos.

Aniya may mga kapamilya na rin siyang pumasok sa PMA, Philippine National Police Academy o PNPA at Philippine Merchant Marine Academy o PMMA na naging inspirasyon niya upang pumasok din at ngayon ay malapit na siyang magtapos at inaasahang papasok sa Philippine Air Force.

Bata pa lamang siya ay pangarap na niyang maging isang piloto ngunit dahil sa kakulangan sa pinansyal ay hinimok siya ng kanyang pamilya na sa PMA na lamang siya pumasok at maging Aero-Cadet para magtapos bilang Airforce Officer at susunod na rito ang pagpasok sa Flying School para maging piloto.