--Ads--

CAUAYAN CITY – Nailigtas ng mga kasapi ng Cabatuan Police Station ang isang lalaki na nagtangkang tumalon sa Magat Bridge. 

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PMaj. Arturo Cachero, hepe ng Cabatuan Police Station na ang nagtangkang tumalon sa tulay ay 20-anyos na residente ng Aurora, Isabela.  

Nakita ng mga concerned citizen ang aktong pagpapakamatay ng lalaki na iniulat nila sa Cabatuan Police Station kaya agad nilang tinugunan kasama ang Rescue Cabatuan.  

Agad na kinausap ng masinsinan ng mga pulis ang lalaki para pakalmahin at nang makita siyang kalmado ay agad siyang hinatak sa likuran ng isang pulis.

--Ads--

Maayos namang naipasakamay ng PNP Cabatuan ang lalaki sa Aurora Police Station na naghatid sa kanyang tahanan.

Problema umano sa pera at labis na depresyon ang nakitang dahilan ng tangkang pagpapakamatay ng lalaki.

Ayon sa lalaki tatlong araw na niyang hindi nasisingil ang mga pautang niyang pera at dagdag pa nito ang malapit ng panganganak ng kanyang asawa.  

Wala siyang  sapat na mapagkukuhanan ng pera para sa pamilya at dahil sa labis na depresyon, ang tanging naisip nalang niya ay kitilin ang kanyang buhay.

Muling nagpapaala ang Cabatuan Police Station na hindi pagkitil ng sariling buhay ang solusyon sa lahat ng problema kundi ito ay mas magdudulot lamang ng mas malalang suliranin at alalahanin sa mga taong maiiwan.

Tiniyak din nitong maari silang magpatulong sa pulisya kung mayroon silang kinakaharap na suliranin.

Tinig ni PMaj. Arturo Cachero.