--Ads--

CAUAYAN CITY – Isinagawa kaninang umaga ang unveiling ceremony ng victory marker ng MV Karagatan 1972  sa  Digoyo Point, Palanan, Isabela.

Ito ay bilang bahagi ng paggunita sa matagumpay na pagpigil ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa tangka ng  CPP-NPA-NDF na magpasok ng napakaraming armas sa  bansa sa pamamagitan ng Digoyo Point noong 1972 na kilala bilang  “MV Karagatan Arms Landing.”

Pinangunahan ni Senior Undersecretary Carlito Galvez ng Department of National Defense (DND)   ang pag-alis ng tabing ng victory marker sa Palanan, Isabela kasama sina  MGen Audrey Pasia, Commanding Officer ng 5th Infantry Division Philippine Army , Lt Gen Fernyl Buca, Commander ng Northern Luzon Command, at iba pang mga opisyal ng AFP, katuwang ang  National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Philippine Information Agency (PIA) Department of Tourism (DOT) at pamahalaang lokal ng  Palanan, Isabela.

Ang matagumpay na pagpigil sa MV Karagatan 1972 ay ang kauna-unahang tagumpay ng AFP labanCPP-NPA-NDF noong Hulyo 1972.

--Ads--

Lulan ng g MV Karagatan 1972 ang mga subersibong dokumento, iba’t ibang uri ng mga ipinuslit na  armas ng mga makakaliwang grupo sa pagpapalakas ng kanilang puwersa.

Itinalaga noon ni Jomar Digoyo si Ricardo Malay na makipag-uganayan sa Hainan, China para sa pagbili ng mga armas kasama ang personal na kinatawan ni Jose Maria Sison, founder ng CPP na si Fidel Agcaoili para bilhin ang GC Maro isang barkong pangisda mula sa Japan na kalaunan ay tinawag nilang Mv Karagatan.