CAUAYAN CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa Cabatuan, isabela sa naganap na pamamaril kahapon ng umaga sa Luzon, Cabatuan sa isang puto vendor para matukoy ang mga suspek at ang motibo sa krimen.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PMaj Arturo Cachero, hepe ng Cabatuan Police Station na ang biktima ng pamamaril na si Robert Pineda, 46 anyos at residente ng Luyao, Luna, isabela ay sakay ng motorsiklo papuntang Luna, isabela.
Ang biktima ay nagdedeliver ng mga produktong puto at kutsinta sa Cabatuan at Cauayan City.
Ang mga suspek naman ay sakay ng Toyota Innova na kulay maroon
Sinusuri na ang mga kuha ng CCTV sa lugar para makilala ang mga sakay ng Innova.
Batay sa kuha ng CCTV ay inabangan si Pineda ng mga suspek at pinagbabaril ng maraming beses.
May nakakita sa pamamaril na 15 na metro ang layo mula sa pinangyarihan ng krimen.
Ayon kay PMaj Cachero, nakuha ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pinangyarihan ng pamamaril ang 13 fired catridge ng Caliber 45 at tatlong fired slug ng caliber 45.
Nanawagan si PMaj Cachero sa mga nakakita sa pamamaril na makipagtulungan sa kanila para malutas ang krimen.