--Ads--

CAUAYAN CITY – Ilang paaralan na sa Santiago City ang nagpapatupad ng pinaghalong half day in person classes at half day na modular classes dahil sa nararanasang sobrang init ng panahon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Jonathan Fronda, Assistant Schools Division Superintendent ng SDO Santiago na may napagkasunduan ang mga paaralan na kapag maging normal na ang init ng panahon ay ibabalik na ang 100% in person classes.

May mga paaralan na nagsabing hanggang apat na linggo lang ang pinaghalong in person classes at modular classes.

May mga guro at mga mag-aaral na nagrereklamo dahil sa sobrang init ngunit gumagawa na ng mga hakbang upang maibsan ang nararanasang init ng panahon.

--Ads--
Tinig ni Dr. Jonathan Fronda.