--Ads--

CAUAYAN CITY– Isang magsasaka ang nasawi habang nasugatan ang kanyang kapatid sa pamamaril sa Escoting Diadi, Nueva Vizcaya ng isang dating pulis na natanggal sa serbisyo sa Santiago City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMajor Jolly Villar, Public Information Officer ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO), sinabi niya na nakatanggap ng tawag ang Diadi Police station may kaugnayan sa naganap na pamamaril sa naturang lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng Diadi Police Station na ang suspek na dating pulis ay nagtratrabaho sa isang game foul farm malapit sa bahay ng mga biktima.

Noong gabi ng Lunes ay naganap ang pamamaril sa magkapatid ng suspek na si Elmer Calibuso, dating miyembro ng Santiago City Police Office (SCPO)

--Ads--

Una niyang binaril ang biktimang si Rex Garnadozo na galing sa kanyang maisan.

Binaril din ni Calibuso ang kapatid ng biktima na si Fredelito Garnadozo na umawat.

Siya ay nagtamo ng tama ng bala sa kanyang hita at nasa ligtas nang kalagayan.

Sa ngayon ay inaalam ng mga otoridad ang motibo sa pamamaril sa magkapatid na Garnadozo.

Inalarma na rin nila ang mga himpilan ng pulisya sa mga karatig na bayan ng Diadi para sa paghahanap sa tumakas na suspek.

Ang pahayag ni PMajor Jolly Villar, tagapagsalita ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office.