CAUAYAN CITY – Naghahanda na ang mga mamamayan sa paparating na super-typhoon Mawar na tatawaging Bagyong Betty kapag nakapasok sa bansa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PDRRM Officer Roldan Esdicul ng Batanes na ipinag-utos ng kanilang gobernador sa mga residente na itinali na ang bubungan ng mga bahay na gawa sa light materials o ang mga bubungan ay yero upang hindi matangay ng malalakas na hangin.
Kahit hindi tatama sa bansa ang super typhoon ay kinakailangan pa ring makapaghanda.
Magkakaroon din sila ng Pre-Disaster assessment Meeting upang maging handa sa anumang epekto ng bagyo.
Nakadepende rin ang Batanes sa cellphone at radio communications kapag panahon ng kalamidad.
Tiniyak naman niyang handa ang kanilang evacuation center sa panahon ng kalamidad..
Sa ngayon anya ay inaalala ng mga magsasaka ang kanilang mga tanim na root crops at mga namumungang puno dahil ngayong buwan ng Mayo at Hunyo ay panahon para mahinog ang mga prutas.