--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy na isinasagawa ng City Veterinary Office ang Rabies Control and Eradication Program.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Veterinary Officer Dr. Ronald Dalauidao, sinabi niya na layunin ng programang ito na mahinto ang transmission ng rabies kaya kailangan nilang alisin o hulihin ang mga galang aso maging ang pusa, lalo na at kapansin pansin umano ang pagdami muli ng kaso ng rabies dito sa lungsod.

Aniya, karaniwan din kasi umanong nagiging sanhi ng aksidente sa kalsada ang mga nagtatakbuhang aso na kung saan ay pabigla bigla na lamang tumatawid ang mga ito.

Ayon kay Dr. Dalauidao na isa rin itong hakbang upang maiwasan rin ang reproduction o lalong pagdami ng mga galang aso at pusa.

--Ads--

Ang mga nahuhuling aso ay idinadala naman sa Dog Pound Center na nasa compound mismo ng tanggapan ng City Veterinary.

Bukas rin umano ang naturang center para sa mga animal lovers na nagnanais na mag-ampon ng mga rescued dogs.

Samantala, kung sakali naman na ang nahuli ay pagmamay-ari ng isang pet owner kailangang sa loob ng limang araw ay makuha niya ito upang makaiwas sa posibleng penalty.

Nagpaalala rin si Dr. Dalauidao sa mga pet owners at mga mag-aapon na bukod sa maging responsablEng mangangalaga at dapat ay taun-taon ring pabakunahan ng Anti-Rabies ang kanilang mga alaga.