--Ads--

CAUAYAN CITY – Pansamantalang ipagbabawal ang mga social gathering sa Cabatuan, Isabela upang maiwasan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Mayor Bernardo Garcia na dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa kanilang bayan ay iminungkahi ng Rural Health Unit (RHU) ang pagbabawal pansamantala sa mga public gathering.

Iminungkahi ng RHU sa pamahalaang lokal na ipatupad ang dating protocol ng inter-agency task force on COVID-19 tulad ng pagkakaroon ng social distancing, pagbabawal sa social gathering at pagsusuot ng facemask.

Dahil dito kinansela ang mga nagpareserba sa mga social hall at gymnasium na iwasan pansamantala na gamitin para sa mga pagtitipon.

--Ads--

Maaring abutin ng 10 hanggang 14 na araw ang pagbabawal sa social gatherings.

Maging ang isasagawa ng ISELCO na Annual General Membership Assemby sa May 27 at mga Barangay Fiesta na gaganapin ay pansamantalang sinuspinde upang maiwasan ang pagtaas pa ng kaso ng COVID-19 sa bayan ng Cabatuan.

Samantala, inihayag ni Mayor Garcia na mayroon namang social distancing sa mga mag-aaral kaya hindi ito maapektuhan.

Mahigpit namang ipinapatupad sa mga paaralan ang pagsusuot ng facemask at social distancing.

Tinig ni Mayor Bernardo Garcia.