--Ads--

CAUAYAN CITY– Nagpalabas ng pondo ang Provincial Government ng Isabela na pambili sa karagdagang family food packs na magagamit sa posibleng maapektuhan ng Bagyong Mawar na tatawaging Bagyong Betty kapag nakapasok na sa Phil. Area of Responsibility.

Ang paglalabas sa naturang pondo ay kasabay ng isinagawang emergency meeting ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council Meeting

Nilagdaan ni Provincial Administrator Atty. Noel Manuel Lopez ng Isabela ang mga dokumento para sa pagpapalabas ng pondo na magagamit sa paghahanda ng bagyo.

Inirekomenda ang pondo ni Provincial Social Welfare and Development Officer Lucila Ambatali para sa pagbili ng karagdagang family food packs na ipapamahagi kung sakaling maapektuhan ang lalawigan ng bagyo.

--Ads--

Ayon kay PSWD Officer Ambatali mayroon silang mahigit 5,000 stocks ng family food packs na galing sa DSWD Region 2 kayat hinihiling nila sa pamahalaang panlalawigan ng Isabela na magpalabas ng pondo para pambili ng karagdagang 5,000 stocks ng family food packs.