--Ads--

CAUAYAN CITY – Tatlong venue ang napiling pagdausan ng Annual General Membership Assembly (AGMA) ng Isabela Electric Cooperative (ISELCO) 1 ngayong araw ng Sabado.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Atty. Karen Abuan, dating General Manager ng ISELCO 1 na tuloy na tuloy na ang AGMA maliban na lamang kung maapektuhan ng bagyong Betty.

Magsisimula ang registration para sa AGMA ganap na alas otso ng umaga hanggang ala una ng hapon at magsisimula ang programa ganap na ala-una ng hapon.

Mayroon aniyang sulat ang mga pangulo ng mga member consumers sa 15 munisipyo na nasa ilalim ng ISELCO 1 na humiling na ganapin sa iisang venue ang AGMA sa Cauayan Sports Complex ngunit tinanggihan lahat ng mga Board of Directors ng ISELCO 1.

--Ads--

Napagkasunduan na ang AGMA ay gaganapin sa tatlong venue na kinabibilangan ng ISELCO 1 Main Office sa Alicia, Isabela, Cauayan Sports Complex at Rizal Community Center sa Santiago City.

Umaasa siya na lahat ng mga mayor, opisyal ng barangay maging si Gov. Rodito Albano at Vice Gov. Bojie Dy ay dadalo sa gaganaping AGMA.

Marami aniyang concerns sa ISELCO 1 pangunahin na ang Congressional Hearing ng Committee on Energy sa mga umano’y anomalya na nangyari sa kooperatiba.

Kailangan ding malaman at malinawan ang mga isyu sa mga member consumers.

Dapat ding malaman ang financial status ng ISELCO 1 at ang nawawalang pondo na hindi maipaliwanag kung saan napunta.

Inaanyayahan na dumalo ang lahat ng mga member consumers ng ISELCO 1 sa AGMA upang malinawan sa mga isyung kinakaharap ng kooperatiba.

Tinig ni Atty. Karen Abuan.