--Ads--

CAUAYAN CITY – Epektibo na ang no sailing policy para sa lahat ng coastal areas sa Cagayan at Isabela.

Nakaantabay na rin ang lahat ng Deployable Response Group ng Philippine Coast Guard para sa paparating na bagyong Betty.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Coast Guard Ensign Lamie Mangulay sinabi niya na mahigpit ng pinaiiral ang no sailing policy sa alinmang katubigang nasasakupan ng buong Lambak ng Cagayan maging sa mga lugar na nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind signal number 1.

Aniya, nakahanda na ang kanilang Deployable Response Groups na aalalay sa mga Local Government Units (LGUs) sa pagtugon sa magiging epekto ng bagyo partikular sa Cagayan at Isabela.

--Ads--

Tinututukan nila ngayon ang mga Low Lying Areas partikular sa Tuguegarao City, Amulung, Claveria, Aparri, Sanchez Mira, Sta. Ana, at Calayan Island sa Cagayan.

Nakikipag-ugnayan sila sa mga LGUs partikular ang mga DRRMO’s para sa information drive sa mga mangingisda at mga residenteng malapit sa dalampasigan upang makapaghanda sila sa paparating na bagyo.

Ayon kay Mangulay dahil umiiral na ang no sail policy ay ipinagbabawal na ang pagligo, pangingisda at paglalayag ng lahat ng sasakyang pandagat upang maiwasan ang insidente ng pagkalunod at pagkasawi.

Tinig ni Coast Guard Ensign Lamie Mangulay.