CAUAYAN CITY – Tiniyak ng NIA-MARIIS na hindi sila magpapakawala ng tubig sa Magat Dam sa kabila ng inaasahang pag-ulan na dala ng bagyong Betty.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Gileu Michael Dimoloy, Dipartment Manager ng NIA-MARIIS, sinabi niya na batay sa forecast ng PAGASA posibleng umabot lamang ng 182 meter above sea level ang water elevation ng dam sakaling makaranas ng pag-ulan sa mga Magat water shed areas.
Aniya, ligtas pa ang naturang antas ng tubig ng dam, gayunman tututukan ng NIA-MARIIS ang mga irrigation canals dahil maaaring umapaw ang mga ito bunsod ng malaking volume ng tubig na dala ng pag-ulan dahil sa bagyong Betty.
Patuloy naman ang babala ng NIA-MARIIS sa publiko na maging handa pa rin dahil sa posibleng pagtaas ng antas ng tubig sa Magat river dahil sa nararanasang pag-ulan.