CAUAYAN CITY – Aabot sa 109 pamilya o 420 individual ang isinailalim sa pre-emptive evacuation dahil sa bagyong Betty sa Region 2.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Information Officer Sunshine Asuncion ng Office of Civil Defense (OCD) Region 2 na ang 88 pamilya ay nasa mga evacuation centers habang 31 pamilya ang nakisilong sa kanilang mga kamag-anak.
Ang mga evacuees ay mula sa Basco Batanes, Gonzaga at Santa Ana sa Cagayan at Divilacan, Maconacon at Palanan sa Isabela.
Sa ngayon ay nagbibigay ng augmentation ang OCD Region 2 at nagdadala na ng mga family food packs at non-food items tulad ng Hygiene kits at modular tents sa mga naapektuhan ng bagyo sa mga bayan ng Gonzaga at Santa Ana sa Cagayan.
Kahapon, lahat ng mga kalsada at tulay sa Region 2 ay madadaanan pangunahin na ang mga papasok at papalabas sa rehiyon.
Nakataas pa rin sa red alert status ang OCD Region 2 hanggang sa makalabas sa bansa ang bagyong Betty.