CAUAYAN CITY– Umabot na sa 21 rebelde ang nagbabalik loob sa pamahalaan at nasa pangangalaga ng 5th Infantry Division Philippine Army sa isinagawang “Mass-Abandonment of CPP- NPA members in Cagayan”
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Army Major Rigor Pammitan ang Division Public Affairs Office Chief ng 5th Infantry Division Philipine Army, sinabi niya na bitbit ng mga nagbalik loob na rebelde ang matatas na kalibre ng armas.
Ilan sa mga nagbalik loob ay ang mga dating estudyante ng Philippine Polytehcnic University o PUP Manila na si Michael Cedric Casano alyas Ka Henry, na tumatayong Secretary ng East Front Committee na kumikilos sa Cagayan, kasama ang kaniyang Party wife na si Patricia Nicole Cuerva o Alyas Maya na dating estudyante ng University of the Philippines Diliman Campus at nagsilbing Political Guide ng East Front Committee.
Dahil sa tinaguriang “Mass-Abandonment of CPP- NPA members in Cagayan” ay unti unting pagkabuwag ng mga nalalabing kasapi ng makakaliwang grupo kasama ang mga leader ng kilusan.